Featured Post

Paano ba magsimula ng isang negosyo?

Paano ba magsimula ng isang negosyo? Maraming Pilipino ang gustong-gustong magnegosyo. Madami na din akong naimentor upang makapagsimula...

Tuesday, November 5, 2019

3 Bagay na Dapat Tandaan sa Pagnenegosyo

Ano ang mga dapat tandaan bago magsimulang mag negosyo?

Kadalasan ito ang ang tanong sakin ng mga attendees ko sa training. Ano ba ang mga dapat tandaan upang maging matagumpay ang negosyo nila bago mag umpisa?

Para maging matagumpay ang isang negosyo kinakailangan lamang na mayroon ka ng mga sumusunod:

1. Kapital- Aminin man natin sa hindi na ang bawat negosyo ay nangangailangan ng kapital upang makapagsimula pwera na lang kung ito ay involve sa e-commerce. Sa pagsisimula pa lamang kinakailangan na malaman mo kung sasapat ba ang kapital na mayroon ka doon sa negosyong itatayo mo. Bukod pa dito, ang kapital na ilalaan mo ay dapat may kaakibat din na masusing pagplaplano upang mas mapalago pa ito. Sa madaling sabi, hindi lang dapat sa panimulang kapital ang pinaghahandaan mo, dapat din ay naisasaplano mo din ang kapital na gagamitin mo sa pag eexpand nang iyong negosyo lalo kung sa tingin mo ay mas lalo itong lalakas kung ito'y isasagawa. Base sa karanasan ko, mas mabilis na lumalago ang negosyo kung mas nakakapag expand pa ang isang negosyo kahit pa ito ay nangangailangan ng karagdagang kapital pero kapalit naman nito ay ang mas mabilis na paglago ng negosyo at pagbalik ng kabuuang nainvest mo.

2. Lokasyon- Minsan, kahit di ganun kalakihan ang panimulang kapital ngunit ang lokasyon naman na mayroon ka ay maganda at malapit sa mag establishmentong makapagdadala sa iyo ng mga customers. Mahalagang mapag aralan ang iyong lokasyon. Maraming mga negosyo ang maganda ang lugar, kilalang brand, pero sa huli ay wala pang ilang buwan ay sarado na. Anong problema? Di ka accessible ang lokasyon nila. Bagamat may mga gusaling makapagdadala ng customers ay di pa rin sapat upang mabawi ang gastos sa operasyon. Magandang humanap ng lokasyon na malapit sa mga target mong customers. Halimbawa, kung ikaw ay magtatayo ng cafe na kung saan ang target mo ay mga kabataan, sikapin mong ito ay malapit sa mga eskwelahan o unibersidad. Siguraduhin mo lamang na hindi ka lalabag sa mga patakaran na itinakda ng batas patungkol sa mga gusaling malapit sa mga paaralan upang hindi magkaproblema. Mainam din na makahanap ng pwesto malapit sa terminals, simbahan, mga BPO buildings, factories, sports center, palengke at sa mga lugar na palaging dinadaanan ng tao. Tandaan, ang magandang lokasyon ay maari ring makabawas sa budget na ilalaan mo sa marketing campaigns mo.

3. Produkto- Ang produkto mo ay siyang magiging imahe ng buong kompanya o ng taong nagpapatakbo ng negosyo. Siguruhing maayos at may kalidad ang produkto mo. Bakit? Ang mga taong makakagamit ng kalidad na produkto mo ay siya ring mga taong magmamarket ng iyong negosyo sa pamamagitan ng kanilang rekomendasyon sa ibang tao. Sa mga online selling platforms, kadalasan ang mga online shops na may mababang kalidad ng produkto ang siyang nakakakuha ng mababang ratings. Kung pagkain naman ay siguraduhing may kalidad, masarap at malinis, at sumusunod sa mga standards na itinakda upang mas kampante ka i-market ang mga ito. Ito rin ay maari mong gamitin sa mga marketing campaigns mo.


No comments:

Post a Comment