Featured Post

Paano ba magsimula ng isang negosyo?

Paano ba magsimula ng isang negosyo? Maraming Pilipino ang gustong-gustong magnegosyo. Madami na din akong naimentor upang makapagsimula...

Monday, November 4, 2019

Paano nga ba magiging successful ang paggamit ng Facebook ads?

Paano nga ba magiging successful ang paggamit ng Facebook ads?

Hindi ibig sabihin na nakapag run kana ng ads ay makakabenta kana.

Isa sa mga kadalasang mali ng mga bago palang sa digital marketing ay iniisip nila na kapag nakapag run na sila ng isang ads o marketing campaign ay magkakaroon na sila ng benta. O hindi kaya kapag nakita na nila na maraming engagements ang ads nila ay macoconvert na nila ito sa Sales.

Ano nga ba ang kaibahan ng Marketing campaign sa Sales Process?

Ang Marketing Campaign ay tumutukoy sa mga ads na nakikita natin sa iba't-ibang social media platforms. Facebooks ads, Youtube ads, at Google ads ay iilan lamang sa mga halimbawa ng mga Marketing campaigns.

Kung ganun, ano naman ang Sales Process?

Ito naman ay tumutukoy sa kung paano natin mai-coconvert yung mga nagenerate nating leads mula sa mga Marketing campaigns natin at gawin sila actual clients o customers. Dito na rin natin inooffer yung mga services, products, events at presentations natin. Kadalasan para mas maging magtagumpay ang sales process, dito ay nag ooffer tayo ng 1 on 1 presentation, webinar, phone calls, video calls at video presentation.

No comments:

Post a Comment