Featured Post

Paano ba magsimula ng isang negosyo?

Paano ba magsimula ng isang negosyo? Maraming Pilipino ang gustong-gustong magnegosyo. Madami na din akong naimentor upang makapagsimula...

Sunday, November 3, 2019

Ano ang Facebook Ads?


Ano ang Facebook Ads?


Maraming nagtatanong sa akin kung paano nga ba makakasabay ang business when it comes to sales. So I decided to share it with you.

Let us accept the fact that we are living in a digital world which means na ang competition sa market ay napakabilis at digital na din ang labanan. Ang tanong, paano ka makakasabay sa ganitong sistema?

Ang Facebook Ads ay isa sa mga pinakakilalang pamamaraan kung paano i-boost ang isang business upang ito ay makilala at syempre upang palaguin ang isang business. Sa anong paraan? Kung gaano kadami ang users ni Facebook, ganun kadami ang pwedeng maging audience ng ads mo. Babayaran mo si Facebook para depende sa kung anong paraan mo gustong i-advertise ang ads mo. Pwedeng sa newsfeed, sa messenger, o kahit sa gitna ng mga videos na nagviviral. Pwedeng gawin yun lahat ni Facebook.

So paano naman ang gagawin mo? Una, kailangan mo munang alamin kung anong klaseng negosyo ang meron ka, ikaw ba ay nagbebenta ng produkto o ikaw ay maghahatid ng serbisyo? Kasi dun lahat magsisimula ang magiging takbo ng Marketing strategy mo. Tandaan mo bagama't magandang platform si facebook para magrun ng isang ads maari din masayang ang pera mo kung hindi mo ito gagawin ng tama.

No comments:

Post a Comment