Featured Post

Paano ba magsimula ng isang negosyo?

Paano ba magsimula ng isang negosyo? Maraming Pilipino ang gustong-gustong magnegosyo. Madami na din akong naimentor upang makapagsimula...

Sunday, November 3, 2019

Paano ba magsimula ng isang negosyo?

Paano ba magsimula ng isang negosyo?

Maraming Pilipino ang gustong-gustong magnegosyo. Madami na din akong naimentor upang makapagsimula sila ng negosyo nila pero meron din sa kanila na kahit madaming hininging mga tips ay hanggang ngayon ay di pa din nagsisimula. Sa anong dahilan?

Una, madami ang magaling humingi ng advice ngunit takot. Takot dahil walang kapital, takot dahil wala pang karanasan, takot dahil di marunong maglakad ng mga papers, takot dahil nalilito pa sa kanilang career, takot dahil wala daw time. Ilan lamang yan sa mga dahilan na kung saan bakit may mga gustong magsimula ngunit hanggang ngayon ay wala pa din nauumpisahan.

Isa sa mga sessions ko sa pag gawa ng Milktea, may isang matanda-sabihin na nating nasa 50+ na ang age. Willing daw siya magnegosyo dahil once in her life gusto niya pag retire niya ay may mapagkukunan pa din siya ng income bukod sa kanyang pension. "Financial Freedom" ika nga. Kung iisipin, lahat naman ng gustong magnegosyo ito ang target, ang magkaroon ng financial freedom. Ngunit tandaan din natin na hanggat di ka nagsisimula ay hindi ka magtatagumpay. "how to be a successful is about getting started". Ang ibig ko lang sabihin, kung anuman ang rason mo ay kailangan mong ma-overcome para makapagsimula.

I started getting into business teenager palang ako pero nagkaroon ako ng opportunity this 2019 lang para makapagpatakbo ng isang negosyo at makatulong sa mga business aspirants especially sa mga nais magkaroon ng sariling Milk Tea Shops. Masasabi kong nagsimula lang kami sa maliit na kapital, na eventually paunti unti naming napalago. Naghanap ako ng mauutangan, at sabi ko sa sarili ko kailangan ko itong maibalik sa mas mabilis na panahon.

Kung ang iniisip mo naman ay ang paglalakad ng mga papers para maging legal, masasabi kong madali lang ito kumpara sa iyong inaakala. Bakit? Mas madali na ngayon kasi Digital age na. DTI o SEC pa man yan ay parehong may mga running website na upang makatulong sa iyo kahit nasa bahay ka lang.

Isa lang ang solusyon, labanan mo takot mo. Panigurado, sa lahat ng problema mo ay makakaisip at makakaisip ka ng solusyon para makapag umpisa.


No comments:

Post a Comment